Introduction
PAGPAPAHALAGA SA AKDA GAMIT ANG IMAHISMONG PANANAW
Anyong Panitikan (Genre): Tula
Kaalamang Pampanitikan
Sa pagpapahalaga ng akda sa pananaw na imahismo, binibigyang-pansin ang larawang-diwa o imahe.Tumutukoy ito sa mga malinaw at tiyak na larawan na nabuo sa isipan ng mambabasa. Sa pamamagitan nito, nagagawa nitong patalasin ang damdamin o pakiramdam ng mambabasa.
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Ang Guryon
ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo,anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at papel de Hapon
Magandang laruang pula,puti,asul
Na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin,ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo,anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin ma’t hindi,baling araw,ikaw
Ay mapabubuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, sualit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok,malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
Task
(Layunin):
1. Natutukoy ang larawang-diwa ng tulang Ang Guryon.
2. Nasusuri ang akda gamit ang teoryang Imahismo.
3. Napapahalagahan ang akda gamit ang imahismong pananaw.
Process
Pananaw Imahismo
1) Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na paksa sa kanyang akda/tula.
2) Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.
3) Malinaw ang mga epekto nito.
4) Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.
Evaluation
A. Pagsususring Panglinggwistika
Magbigay ng iba pang salitang katumbas ng mga sumusunod:
a. guryon _______________________
b. munti _______________________
c. magwagi _______________________
d. mapatid ________________________
e. matangay ________________________
f. madaig ________________________
g. makipagdagitan ________________________
h. marangal ________________________
i. marupok ________________________
j. lagutin ________________________
Conclusion
Aralin 1
Pamaksang Yunit: Sining ng Panitikan: Daan sa Pagkilala
PAGPAPAHALAGA SA AKDA GAMIT ANG IMAHISMONG PANANAW
Anyong Panitikan (Genre): Tula
A. Halimbawa ng tulang Ang Guryon ni Ildefonso Santos.
1. Kaalamang Pampanitikan
2. Pananaw Imahismo
Credits
Partido State University
Kolehiyo ng Edukasyon
Goa, Camarines Sur
A/Y: 2014-2015
Creating Web Quest
Inihanda nina:
Mike Angelo A. Obiña
Alene V. Atole
Camille P. Lantican
Saile N. Margate
Maria Theresa Blando
BSEd 3B
Inihanda para kay:
Dr Myrna C. Bigueja
Instructor
Sanggunian:
Websites
http://iampinoypi.blogspot.com/2013/03/saranggola.html
http://dadadadarwin.blogspot.com/2010/09/ang-guryon-tula-ni-ildefonso-s…
Teacher Page
Inihanda nina:
Mike Angelo A. ObiƱa
Alene V. Atole
Camille P. Lantican
Saile N. Margate
Maria Theresa Blando
BSEd 3B
Inihanda para kay:
Dr Myrna C. Bigueja
Instructor