Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan _ diony

Introduction

Ang tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan and kaniyang misyon sa buhay. Isang paraan na dapat nating  isakatuparan para makamit ang misyong ito ay ang pagtupad  at pagganap sa iba't ibang tungkulin. Habang tumatanda ang tao,nadaragdagan ang kanyang mga tungkulin. Nadaragdagan ito spagkat lumalawak ang mundong ating ginagalawan.

Namumulat ang ating kamalayan sa ating kapaligiran at ating nakikita ang ating mga tungkulin na dapat nating gawin upang tayo ay maging kapakipakinabang sa ating kapwa at makapag-ambag ng kabutihan  sa ating lipunan. Iba ang ang tungkulin ng isang bata sa tungkulin ng isang nagdadalaga o nagbibinata. 

Bilang kabataan, mahalaga na ating malaman ang ating mga tungkulin bilang nagdadalaga at nagbibinata. Ito ay ating maging gabay para mapabuti ang ating mga pangaraw-araw na kilos at gawain . Ito ang maging gabay sa paggawa ng mabuti at magdudulot sa atin ng magandang kinabukasan.

Upang ating mapagtanto at maintindihan ang mga tungkuing ito,kailangan natin ang sapat na panahon para sa ating sarili para tayo ay makapagmunimuni kung ano ba ang mga gampanin at mga tungkulin na dapat nating isabuhay.

 

 

Task

  • Kayo ay magtatala ng mga ibat-ibang tungkulin ng isang nagdadalaga o nagbibinata.

  • Inyo itong ihahanay nang alinsunod sa mga ibat-ibang  kalagayan niyo sa inyong lipunan gamit ang Microsoft Word na ginagamitan ng Tables at Column.Ito ay inyong ipapasa gamit ang email address ninyo o gamit ang hardcopy sa susunod na linggo.Sa mga gagamit ng email address ito ang ating gagamtin: TSHIedu.pagpapakatao2023@gmail.com.

  • Ilahad kung ano ang inyong nawari sa inyong sarili pagkatapos ng Table at Column, napagtanto ba ninyo kung ito ay inyong nagagampanan at ano pa ang mga maaring gawin para atin itong maisabuhay. Gawin ito sa pamamagitan ng isang talata.

Process

  • Bilang kabataang nagkakagulang, tayo ay may mga tungkulin na dapat nating gampanan.
                 
 
            Mga Tungkulin :
        Mga Pamamaraan sa Pagganap 
a.  sa sarili
hal. pagpapaunlad ng talento
 pagsali sa mga organisasyon
b. bilang anak
 
 
c. bilang kapatid
 
 
d. bilang mag-aaral
 
 
e.bilang mananmpalataya
 
 
f. bilang mamamayan
 
 
g. bilang konsyumer ng medya
 
 
h. bilang isang makakalikaan
 
 
Kayo ay maaring gumamait ng ibang weblinks ngunit ito ay inyong ilalahad kasama sa ipapasa ninyong microsoft document.Inyo itong ilalagay sa ibabang bahagi ng inyong output.

 

Evaluation

  • Sa bawat tungkulin at pamaraan ng pagganap = 2pts. maximum of 3
  • Nakapagpasa sa tamang oras = 5pts.
  • Talata (real life experience related)= 10pts.

Conclusion

Ang patuklas natin sa ating mga tungkulin ngayon ay magbibigay daan para ating mabigyang daan ang ating sarili para umunlad sa isip,pakiramdam at gawa. Ito ay maghahanda sa atin sa mga mas marami at komplikadong tungkulin na ating isasabuhay habang tayo ay tumatanda. Ang maagang pagkamulat natin sa mga ito ay mas mainam para atin itong makasanayang gawin habang tayo ay bata pa.

Credits