#StopBullying: Kabataang May Malasakit

Introduction

Narinig mo na ba ang salitang "bullying"? Nangyayari ito sa loob at labas ng paaralan. Bilang kabataang Pilipino, ano ang magagawa natin para sugpuin ito? Kayo ay mga "Youth Advocates" na maghahanap ng solusyon!

Task

Sa apat na grupo, gagawa kayo ng "Anti-Bullying Campaign Poster". 

Layunin: Turuan ang mga kapwa mag-aaral kung paano maiiwasan at paano reresponde sa bullying.

Process

1. Basahin at panoorin ang mga kagamitang panturo sa ibaba.

2. Sagutan: Ano ang bullying? Ano ang mga uri nito? Ano ang epekto?

3. Mag-isip ng limang paraan para labanan ang bullying sa paaralan.

4. Gumawa ng "campaign poster" gamit ang Canva o manila paper.

 

Evaluation

Rubrik sa "Campaign Poster"

Pamantayan

4 - Napakahusay

3 - Mahusay 

2 - Pasado 

1 - Nangangailangan ng Pagsisikap 

Nilalaman

Malinaw at makabuluhan ang mensahe laban sa bullying

Malinaw ang mensahe

Medyo malabo ang mensahe

Walang malinaw na mensahe

Pagkamalik-hain

Napaka-kreatibo, nakakaakit ng pansin

Malikhain at maayos

Karaniwan lang

Walang effort sa disenyo

Guhit

May kaugnayan at de-kalidad ang mga larawan/drawing

May kaugnayan ang mga larawan

Ilan lang ang may kaugnayan

Walang larawan o hindi kaugnay

Kalidad ng Gawa

Maayos, malinis, walang mali sa spelling

Maayos at malinis

Medyo magulo

Magulo at maraming mali

TOTAL : 16 POINTS

Conclusion

Bilang isang mag-aaral, ano ang isang konkretong hakbang na gagawin mo para maging bahagi ng solusyon laban sa bullying? Paano mo maipapakita ang "malasakit" sa iyong kapwa?

Credits

1. https://www.deped.gov.ph/k-12/faq/anti-bullying-act/ - DepEd Anti-Bullying Policy

2. https://commons.deped.gov.ph/ - AP8 Module: Mga Isyung Panlipunan

3. https://www.youtube.com/watch?v=bullyingawareness - Anti-Bullying Video

 

 

References:

- DepEd Anti-Bullying Act

- DepEd Commons AP8 Modules

- UNICEF Philippines

Teacher Page

**Pamantayan sa Gawain:**

AP8: Naipamamalas ang Pag-unawa sa mga Kontemporaryong Isyung Panlipunan

 

**Oras na kailangan:** 

Isang Sesyon - tatlumpong minuto para sa pananaliksik.

 

**Paglalahad:**

1. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat

2. Bigyan ng tatlumpong minuto para sa pananaliksik

3. Suriin gamit ang rubrik sa ebalwasyong bahagi

4. Pagsubaybay: Gumawa ng "Anti-Bullying Pledge" sa klase

 

**Karagdagang Gawain:**

- Imbitahan ang Guidance Counselor para magsalita

- I-paskil ang mga posters sa pasilyo