Introduction
Narinig mo na ba ang salitang "bullying"? Nangyayari ito sa loob at labas ng paaralan. Bilang kabataang Pilipino, ano ang magagawa natin para sugpuin ito? Kayo ay mga "Youth Advocates" na maghahanap ng solusyon!
Task
Sa apat na grupo, gagawa kayo ng "Anti-Bullying Campaign Poster".
Layunin: Turuan ang mga kapwa mag-aaral kung paano maiiwasan at paano reresponde sa bullying.
Process
1. Basahin at panoorin ang mga kagamitang panturo sa ibaba.
2. Sagutan: Ano ang bullying? Ano ang mga uri nito? Ano ang epekto?
3. Mag-isip ng limang paraan para labanan ang bullying sa paaralan.
4. Gumawa ng "campaign poster" gamit ang Canva o manila paper.
Evaluation
Rubrik sa "Campaign Poster"
|
Pamantayan |
4 - Napakahusay |
3 - Mahusay |
2 - Pasado |
1 - Nangangailangan ng Pagsisikap |
|
Nilalaman |
Malinaw at makabuluhan ang mensahe laban sa bullying |
Malinaw ang mensahe |
Medyo malabo ang mensahe |
Walang malinaw na mensahe |
|
Pagkamalik-hain |
Napaka-kreatibo, nakakaakit ng pansin |
Malikhain at maayos |
Karaniwan lang |
Walang effort sa disenyo |
|
Guhit |
May kaugnayan at de-kalidad ang mga larawan/drawing |
May kaugnayan ang mga larawan |
Ilan lang ang may kaugnayan |
Walang larawan o hindi kaugnay |
|
Kalidad ng Gawa |
Maayos, malinis, walang mali sa spelling |
Maayos at malinis |
Medyo magulo |
Magulo at maraming mali |
TOTAL : 16 POINTS
Conclusion
Bilang isang mag-aaral, ano ang isang konkretong hakbang na gagawin mo para maging bahagi ng solusyon laban sa bullying? Paano mo maipapakita ang "malasakit" sa iyong kapwa?
Credits
1. https://www.deped.gov.ph/k-12/faq/anti-bullying-act/ - DepEd Anti-Bullying Policy
2. https://commons.deped.gov.ph/ - AP8 Module: Mga Isyung Panlipunan
3. https://www.youtube.com/watch?v=bullyingawareness - Anti-Bullying Video
References:
- DepEd Anti-Bullying Act
- DepEd Commons AP8 Modules
- UNICEF Philippines
Teacher Page
**Pamantayan sa Gawain:**
AP8: Naipamamalas ang Pag-unawa sa mga Kontemporaryong Isyung Panlipunan
**Oras na kailangan:**
Isang Sesyon - tatlumpong minuto para sa pananaliksik.
**Paglalahad:**
1. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat
2. Bigyan ng tatlumpong minuto para sa pananaliksik
3. Suriin gamit ang rubrik sa ebalwasyong bahagi
4. Pagsubaybay: Gumawa ng "Anti-Bullying Pledge" sa klase
**Karagdagang Gawain:**
- Imbitahan ang Guidance Counselor para magsalita
- I-paskil ang mga posters sa pasilyo