Gawain 9: Mahalaga ito! Pansinin Mo!

Introduction

Gawain 9: Mahalaga ito! Pansinin Mo!

 

Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. Dahil diyan kailangan mo nang sagutin ang panghuling pagtataya upang higit mong mapatunayan ang iyong pag-unawa sa lahat ng paksa na napapaloob sa modyul na ito Kayang-kaya di ba?

Task

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

 

1. Ang mga isyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan at may malinaw na epekto sa lipunan

A. Isyung Pangkapaligiran

B. Kontemporaryong Isyu

C. Isyung Pangkalakalan

D. Isyung Pangkalusuagan

 

2. Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan na binubuo ng iba't ibang kinatawan mula sa pambansang organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan at pagkakaisa?

A. Isyung Pangkalakalan

B. Isyung Pangkalusugan

C. Isyung Panlipunan

D. Isyung Pangkapaligiran

 

3. Alin sa sumusunod ang hindi kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.

B. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.

C. Pagkilala sa sanggunian.

D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.

 

4. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa sumusunod ang kabilang dito?

I. uri II. sanggunian III. kahalagahan IV. epekto

A. I

B. Il

C. I, IL. III. IV

D. II. III

 

5. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

I. Nagiging mulat sa katotohanan.

II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip.

III.Napalalawak ang kaalaman.

IV. Napapaunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa.

A. I

B. I, II

C. I, II, III

D. I, II, III, IV

 

 

 

Panuto: Basahin ang bawat pangyayari. Isulat ang letrang K kung maituturing itong kontemporaryong isyu at H kung hindi. (5pts)

6. Pagkawala ng trabaho ng mga tao

7. Pandaraya sa Pamilihan

8. Diskriminasyon sa edad

9. Hindi pagkapantay-pantay sa lipunan

10. Suliranin ng mag-anak

 

 

 

Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pinapahiwatig ng pangungusap ay tama at palitan ng tamang sagot ang nasalungguhitan na salita kung ito ay mali. (5pts)

11. Ang kontemporaryong isyu ay anumang pangayayari, paksa, tema, opinion, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.

12. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.

13. Sa pagbabasa ng mga print media ay nahuhubog ang kasanayang pangwika at siyensiya.

14. Ang free trade ay halimbawa ng isyung pangkalusugan.

15. Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng facebook upang mahubog ang kasanayan sa pagbabasa

 

Process
  1. Basahin nang mabuti ang mga tanong: Unawain ang kahulugan ng tanong at tiyakin na nauunawaan ang hinihinging impormasyon o konsepto.

  2. Basahin ang mga pagpipilian: Basahin ang bawat pagpipilian nang mabuti at suriin ang mga detalye o mga salita na maaaring magbigay ng clue o tulong sa pagpili ng tamang sagot.

  3. Pumili ng sagot: Piliin ang sagot na sa tingin ay pinakatamang sumasagot sa tanong. Maaaring gamitin ang mga natatanging keywords, mga kaalaman, o mga pagsusuri sa pagpili ng tamang sagot.

  4. Ibigay ang tamang sagot: Lalo na sa mga hinihingi.

  5. Tiyakin ang kasagutan: Bago i-finalize ang sagot, basahin muli ang tanong at ang napiling sagot upang tiyakin na ito ay tugma at wasto sa hinihinging impormasyon o konsepto.

Evaluation

Sa iyong pag-unlad sa pagsasaliksik na ito, ang iyong pagkaunawa at pakikilahok ay susuriin batay sa katumpakan.

  • Para sa bawat tamang sagot, maglaan ng 1 punto.
  • Para sa bawat maling sagot, maglaan ng 0 punto.
  • Walang parusa para sa mga hindi nasagutan na tanong.
Conclusion

Pagbati sa iyo sa pagkumpleto ng iyong paglalakbay! Sa pamamagitan ng iyong aktibong pakikilahok sa  ating aktibidad at pagsasanay ng iyong mga kasanayan, nagkaroon ka ng matibay na pag-unawa sa ating paksa patungkol sa kontemporaryong isyu. Tandaan, hindi dito nagtatapos ang pakikipagsapalaran—patuloy na mag-explore at gamitin ang iyong kaalaman upang makakita makatulong sa bayan.

Credits

Araling Panlipunan 10 Modyul 1: Kontemporaryong Isyu: https://grade10.modyul.online/araling-panlipunan-10-modyul-1-kontemporaryong-isyu/