Introduction
Ang talumpati ay masining na pagpapayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa paksa na pinababatid sa pamammagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa mga taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko. Layunin nitong magbigay ng impormasyon o kaalaman, humikayat, mangatwiran, at maghatid ng paniniwala. Isa rin itong uri ng pampublikong komunikasyon kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita at may tagatanggap naman ng impormasyon.
May anim na uri ng talumpati : talumpating pampalibang, nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal at pampasigla.
Tatlong bahagi ng talumpati: simula, katawan at katapusan.
Task
Makakalikha ng isang talumpati na nababatay sa karanasan at ibabahagi sa klase. dapat may kaayusan ang pagbabahagi nito na kung saan mabibigyan pansin ang simula, katawan at katapusan.
Process
Alamin natin ang kung ano nga ba ang kahulugan ng talumpati
1. Ano ang kahulugan at layunin nito.
2. Ano ang tatlong bahagi ng talumpati.
Bumuo ng anim na grupo pagkatapos ang bawat miyembro ay sumulat ng talumpati ayon sa inyong karanasan. Isulat s aisang buong papel.
unang pangkat- talumpating nagpapakilala
ikalawang pangkat- talumpating pangkabatiran
pangatlong pangkat- talumpating nagbibigay galang
pang-apat na pangkat- talumpating pampasigla
panglimang pangkat- talumpating pampamlibang
pang anim na pangkat- talumpating nagpapangaral
Evaluation
Nilalaman-------50%
oranisasyon-----30%
Tamang kumpas at galaw--------20%
Kooperasyon---10%
Kabuuan---100%
Conclusion
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Dito makikita ang kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Pagbibigay ng impormasyon o pangaral sa paraan ng pagsasalita.
Credits
Sanaysay, debate, talumpati nina Belvez at VIllafuerte